‘Salamat, Naging Magaling Ako Magbilang’

Nung nakilala kita, gumaling ako magbilang.
Kung ilang beses mo ko nilingon.
Ilang taon ang tanda mo sakin.
Ilang dangkal ang taas mo pag dumikit ako sayo.
Kung ilang araw bago tayo nagsimula mag usap.

Lalo ako gumaling nung nagsimula ko bilangin,
Kung ilang araw na ko gumigising nang masaya.
Ilang gabi na tayo nag goodnight.
Ilang tulog pa bago kita makasama.
Para malaman natin kung may pag-asa.

Hanggang dumating ka na,
At ayoko nang magbilang.
Kung ilang araw na lang kita makikita, mahahawakan.
Bago ka ulit umalis.

Pero, hindi ko natakasan,
Kailangan magbilang muli.
Kung kailan ka uuwi,
Para hindi na tayo hanggang sa isip lang ng isa’t-isa.
Yun lang naman ang gusto ko,
Yung maranasan ang saya ng iba.
Tumayo ako sa tapat ng kalendaryo, nagbilang ng araw.

Pero bigla na lang nag-iba.
Nakakagulat pero naubusan ako ng daliri,
Sa pagbilang sa mga gabing hindi makatulog.
Totoo pa lang malupit ang sama ng loob.
Hanggang sa tumigil na magbilang.
Pagdilat ko nandito na tayo sa huling numero.

Di ko inasahan,
Na paglipas ng ilang umaga, babalik ka rin.
Natuwa, muling naalala ang mga plano.
Nagkaroon ng gana at nakalayo.
Yun pala, ikaw, iba na ang binibilang.

Kung ilang araw bago mo ko tuluyan iwan.
Ilang buwan bago ka pwedeng lumipat sa iba.
Kung ilang porsiyento na kakayanin ko nang mag-isa.
Ganado ka magbilang,
Kung pang-ilan mo na ako sa listahan ng mga mali.

Hanggang bigla ko maalala,
Parang madami akong hindi nabilang?
Mga masasakit na salita,
Beses na hindi na sana kita tinignan ulit,
Mga pagkapit ko na buong lakas iniwasan.
Sana pala doon ako nagsipag.

Ngayon, parang hindi ko mabilang,
Kung ilang gabi pang iiyak.
Hindi makatulog kakaikot.
At kung ilang araw pa bago ko tuluyang isuko ang pag-asa,
Na buhay pa siya, hindi ikaw,
Kasi ikaw, hindi kita kilala.

Pagod na ako.
Pero talagang tama ang bilang ko.

Ang pagtawa,
Totoong nahigitan ng pagluha.

Advertisements

3 thoughts on “‘Salamat, Naging Magaling Ako Magbilang’

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s